Philippine Information Agency
14 Aug 2019, 14:08 GMT+10
LUNGSOD NG BUTUAN, Agosto 14 (PIA) -- Nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons at SK Federation sa Caraga region sa mga programa at adbokasiya ng pamahalaan laban sa teroristang grupong Communist Party of the Philippines - New People's Army - National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Kasabay ng isinagawang pagtitipon ng mga kabataan at ibat-ibang sektor ng rehiyon sa selebrasyon ng International Youth Day (IYD), binigyang-diin ng mga kalahok ang kanilang mga magagawa sa lipunan bilang kabataan na pag-asa ng bayan, at ang malaking responsibilidad din nito sa pagtugon sa mga problema ng bansa kabilang na ang insurgency.
Sa temang "Transforming Education," isinusulong ng SK Federations ang pagbibigay-halaga sa pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.
Gagamitin din ng mga kabataan ang kanilang galing sa mabuting paraan, at hindi magpapadala sa pang-rerecruit ng makakaliwang grupo sa mga paaralan at lumaban sa gobyerno.
Hinimok si Stephanie Dawn Salise, Acting Vice President ng Butuan SK Federation sa ibang kabataan ng rehiyon na sumuporta sa gobyerno. "Nananawagan ako sa iba pang kabataan na huwag mag-revolt laban sa gobyerno dahil para naman sa kapakanan ng lahat ang kanilang ginagawa sa bayan," sabi niya.
"Sa aming barangay, marami kaming ginagawang aktibidad para sa mga kabataan para sila'y malayo sa mga masasamang gawain ng mga makakaliwang grupo," sabi ni Christian Mendoza, SK Chair ng Barangay Limaha, Butuan City.
Ayon naman kay Julius Gutierrez, Executive Director ng National Youth Commission NYC), mandato ng kanilang ahensiya na tulungan ang mga kabataan na sila ay maging proactive, at mabigyan ng malaking oportunidad na aktibong makalahok sa aktibidad ng gobyerno sa civic and public affairs.
"Ngayon nagsisimula po kaming humiling sa kanila, kumatok sa puso nila na sila po'y lumapit sa aming ahensiya. May website naman kami, may facebook page. Hindi kasi ganun kalaki yung ahensiya namin, but then again, lumalaki lang yung puso namin once marami kaming natutulungan at maraming nakakakilala anong mga programa para sa mga kabataan. At andito lang kami, yung mga ate't kuya ninyo na nananawagan na lumahok kayo para naman po masali kayo at maging parte sa proseso para sa mga kabataan," sabi ni Gutierrez.
Ito ay bilang parte rin sa pagpapatupad ng Executive Order no. 70 o whole-of-nation approach sa pagsugpo ng insurhensiya sa bansa. (JPG/PIA-Caraga)
Get a daily dose of Malaysia Sun news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Malaysia Sun.
More InformationWASHINGTON, D.C.: President Donald Trump says the United States could soon reach a trade deal with India. He believes this deal would...
New Delhi [India], July 9 (ANI): Chief of Defence Staff General Anil Chauhan has stated that it was difficult to define the extent...
The delay adds yet another twist to Trump's original 90 deals in 90 days promise -- so far yielding only two vague trade agreements...
New Delhi [India], July 9 (ANI): The Operations Cell of South West District police has apprehended five Bangladeshi nationals, including...
Washington DC [US], July 9 (ANI): The US State Department on Tuesday (local time) criticised India's stance on the US playing no role...
Dhaka [Bangladesh], July 9 (ANI): The United States Trade Representative (USTR) has invited Bangladesh to the second round of negotiations...
OTTAWA, Canada: With Canada Post struggling to maintain operations amid labour unrest, rivals like FedEx and UPS are stepping in to...
NEW YORK, New York - U.S. and global markets showed a mixed performance in Tuesday's trading session, with some indices edging higher...
PARIS, France: French military and intelligence officials have accused China of orchestrating a covert campaign to damage the reputation...
NEW DELHI, India: Birkenstock is stepping up its efforts to protect its iconic sandals in India, as local legal representatives conducted...
HONG KONG: China has fired back at the European Union in an escalating trade dispute by imposing new restrictions on medical device...
NEW YORK, New York - Monday's trading session saw mixed performances across U.S. and global markets, with several major indices posting...